👤

Punong-puno ng sorpresa ang buhay. Hindi mo masasabi ngayon kung ano ang bukas. Ito'y para raw
isang jigsaw puzzle na maraming piraso ang nawawala at marami ring piraso ang labis na hindi maipapalit
sa nawawala. Marami itong bakit, paano, at saa na hindi natin kayang ipaliwanag. Maraming kahiwagaan
ang buhay na Ang Dakilang Arkitekto lamang ang nakakabatid.
Para sa mga maramdamin, ang buhay ay isang trahedya na punong-puno ng paghihirap, pagkabigo
at kalungkutan. Para sa mga bukas ang isipan, ito'y isang komedya na batbat ng pakikipagsapalaran,
magagandang karanasan, at kaligayahan.
Ayon sa isang matandang dayuhan: "Upang gumanda ang paningin mo sa buhay, magsalamin ka ng
kulay rosas. Ang madilim na salamin ay nagbibigay ng kadiliman sa paligid. Ang ating kaligayahan ay
nagsasalaysay sa ating saloobin at kaligayahan.
Isang binatilyo ang masamang-masama ang loob sa kanyang magulang sapagkat hindi siya maibili
ng sapatos na gomang mamahalin na usong-uso sa mga kabataan. Hindi maipipinta ang mukha niyang
nagdidilim sag alit habang sinisipa niya ang mga batong nadaraanan niya mula sa pinanggalingang
paaralan. Natawag ang pansin niya ng isang matabang lalaking kasinggulang din niya marahil na nakaupo
sa isang malapad na tablang may gulong. Pinalakad niya ito sa pamamagitan ng pagtulak ng kanyang kamay
sa semento. Kapuna-puna ang aliwalas ng mukha ng lalaki na para bagang siya na ang pinakamapalad na
lalaki sa ibabaw ng lupa.
Para siyang walang anumang suliranin sa buhay. Hindi niya ininda o ikinahihiya ang kanyang
kalagayan. "Sasabay na ako sa iyong pagtawid", ang bati nito sa kanyang nakangiti.
"Nakaubos ako ngayon ng isang libretong tiket sa sweepstakes", ang hindi napigilang pagbabalita nito sa
kanya.
Naisip ng binatilyo, "Wala lamaang ako makabagong sapatos, nalulungkot na ako. Ang taong ito'y
walang paa ngunit maligaya at naghahanapbuhay pa."
Pagtawid ng daan tinapik ng binatilyo sa balikat ang lalaki at nakangiting nagpasalamat. Gayon na
lamang ang pagtataka ng matabang lalaki. batay batay sa teksto ano ang taglay ng katangian ng matabang lalaki​