👤

tula tungkol sa paaralan
nonsense=report​


Sagot :

Paaralan

Lugar na aming ikalawang tahanan,

Kay tagal na nang aking nasilayan.

Paaralan, isa sa aking kasiyahan

Ito din ang pinagmulan ng aking kaalaman.

Dito ako natutong bumuo ng pagkakaibigan,

Mga aralin ay aking natutunan.

Aral sa tunay na buhay aking nalaman,

Maraming istorya sa aming paaralan.

Salamat sa mga guro at tauhan,

Na nagtuturo at nagsisilbi sa mga mag-aaral.

Nang dahil sa inyo'y bukas aking isipan,

Sa mga usaping pandaigdigan.

Hindi lamang aralin ang natutuhan,

Kundi pakikipagkapwa maging kanino man.

O mahal naming paaralan,

Kailan ka kaya ulit namin mapupuntahan?

Answer:

paaralan ating puntahan, upang tayo'y may matutunan, nandiyan ang mga guro upang tayo'y turuan ng magagandang asal, pinagbubutihan nila ang pagtuturo sa atin, marami tayong matututunan tungkol sa paaralan.