Sagot :
Answer:
Wala nang tahimik na kalsada ngayon.
Binagtas na natin ang bawat daan;
Sumuot sa makikitid na sulok ng agam-agam
Hanggang sapitin ang pintuan ng walang katiyakan.
Sa ating pagkapiit, may dagim ng ligalig ang kisame;
Gabi-gabing pagbabadya ng unos
Na buhos ay pagkatigatig sa kahimbingan ng malay.
At sa nakasanayang alimpungat, iuusal ang panalangin
Sa himig ng mga tula. Mananalig na sa bisa ng mga talinghaga
Ay masusumpungan ang lunas sa karamdaman ng daigdig—
Isang himalang kahit sa pagbabalatkayo’y
Siya nawang magpahiwatig sa lupa.
Explanation:
panalangin po ginawa ko dyan:)