Ngayon, subukin mong sagutan ang panimulang pagtataya upang masukat ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa araling tatalakayin. Kinakailangang pagtuunan mo ng pansin ang mga tanong na hindi tiyak ang iyong sagot at alamin ang wastong kasagutan sa mga ito. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Ilagay ang titik ng tamang sagot sa patlang. 1. Alin sa mga suliraning pangkapaligiran sa ibaba na bunsod ng urbanisasyon ang lubhang napakasalimuot at epekto ng lahat ng usaping pangkalikasan?
A. Problema sa solid waste.
B. Pagkawasak ng kagubatan
C. Polusyon sa hangin at tubig.
D. Pagkasira ng biodiversity.
2. Ayon sa pag-aaral ng Asian Development Bank, ang bansang ito ay nangunguna sa mga bansang may pinakamabilis na antas o rate ng deforestation. Anong bansa ito?
A. Japan
B. Pilipinas
C. Thailand
D. Vietnam
3. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa gas pollutant?
A. carbon dioxide
B. lead
C. oxygen
D. sulfur dioxide
__4. Anong bansa sa Asya ang kasalukuyang hindi pa nakararanas ng desertification?