Sagot :
ANYONG TUBIG
Ang anyong tubig ay kahit anumang makahulugang pag-ipon ng tubig, kadalasang tinatakpan ang ibabaw ng isang planeta katulad ng Daigdig. Hindi kinakailangan na hindi gumagalaw o nakapaloob ang isang anyong tubig; ang mga ilog, sapa, kanal, agusan, bambang at ibang katangiang pang-heograpiya kung saan dumadaloy ang tubig mula sa isang lugar hanggang sa isa pang lugar ay tinuturing ding anyong tubig.
ANYONG LUPA
ang anyong lupa o pisikal na katangian ay binubuo ng isang heomorpolikal na yunit, at kadalasang nagkakaroon ng kahulugan sa kanyang anyo sa ibabaw at lokasyon sa tanawin, bilang bahagi ng kalupaan, at dahil sa katangiang iyon, kinakatawan ang isang elemento ng topograpiya. Kabilang din sa anyong lupa ang tanawing dagat at katangian ng mga bahagi ng tubig sa karagatan katulad ng look, tangway, dagat at iba pa, kabilang ang mga kalupaang nasa tubig, katulad ng bulubundukin at bulkang nakalubog, at malalaking palanggana ng karagatan na nasa ilalim ng manipis na tubig, para sa buong daigdig lalawigan at dominyo ito ng heolohiya.