1. Isang malaki at gutom na gutom na baboy ramo pala ang nakatago sa gilid ng malalabay na puno at naghihintay ng anumang darating na maaaring makain. Nang makita niya ang Pilandok ay agad na nagningning ang kaniyang mga mata. Mabilis siyang lumabas at humarang sa daraanan ng Pilandok. Siguro ang susunod na mangyayari ay... A. nagmakaawa ang Pilandok sa baboy-ramo na huwag siyang kainin. B. sinunggaban at agad na nilapa ng babay-ramo ang Pilandok na agad naman nitong ikinamatay. C. Siguro nakipagkasundo ang Pilandok sa baboy-ramo na tutulungan itong maghanap ng ibang makakain na mas nakabubusog.