👤

3. Ano ang pagkakaiba ng organikong abono at di-organikong abono?​

Sagot :

Explanation:

hope it helps pa brainliest

View image Preciousyohanangel

Answer:

Ang organikong abono ay ang mga abono na gawa sa mga nabubulok na pagkain, gulay halaman at mga dumi ng hayop ito ay pinag sasama sama at pinoproseso para rin itong lupa pagkatapos na maproseso inilalagay ito sa mga halaman.

Kahalagahan ng organikong abono:

  • Mahalaga ang organikong abono sapagkat mas pinaparami ang ani ng mga magsasaka .
  • Mas pinatataba ang lupang taniman upang mabuhay ng mabunga, mabulaklak at madahon ang mga halaman.
  • Ang paggamit ng mga organikong abono ay mas may magandang dulot sa kalusugan ng mga tao sapagkat wala itong mga kemikal na masisiguradong ligtas ang kakain ng mga bunga halaman na ginamitan ng organikong abono.  

Ang di-organikong abono ay patabang dinaan sa proseso at hinaluan ng mga chemical. Ito rin ay mula sa nitrate ng soda, sulfate ng amonia, ammonium nitrate at urea. Ito ay kilala bilang komersyal na pataba at nakikilala sa kombinasyon ng numero sa lalagyan nito.

Kahalagahan ng di-organikong abono:

  • Nabibigyan ang halaman ng pantay na pamamahagi ng tatlong mahahalagang nutrients: P, N, K.
  • Ang mga chemical na pataba ay nagiging mas mura dahil nag-iimpake sila ng higit pang mga nutrisyon bawat kalahating timbang.
  • Ang mga pataba sa chemical ay mayaman nang pantay sa tatlong mahahalagang nutrisyon na kinakailangan para sa mga pananim at laging handa para sa agarang suplay ng mga sustansya sa mga halaman kung hinihingi ang sitwasyon.