Sagot :
Answer:
Ang tula ay malaking bahagi ng Panitikang Pilipino. Bago pa man tayo magkuwento, tumutula na tayo. Pinatunayan na ito sa atin bago pa man dumating ang mga Español o ang tinatawag na Pre-Spanish period. Patunay niyan ang mga epiko, mga lirikong tula–mahahaba at may kuwento. Bago pa man tuluyang sakupin ng mga Amerikano ang ating isipan ay tumutula na tayo. Samakatuwid, noon pa lang ang may angkin na tayong talento sa pagtula.