Pagpapakilala ng Aralin
Sa araling ito, pag-aaralan mo ang tungkol sa iba't ibang hakbang pananaliksik.
sa
A. Iba't ibang Hakbang sa Pananaliksik
Ang Pananaliksik ay ang sistematikong paghahanap ng mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Ayon naman kay Manuel at Medel ang pananaliksik ay proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa siyentipikong paraan.
Sa pagsasagawa ng isang pananaliksik, kailangan isaalang-alang ang mga sumusunod na hakbang.
1. Alamin o Piliin ang Paksa
Kung walang tiyak na paksang sasaliksikin siguraduhing ang
pipiliing paksa ay naaayon sa iyong interes, may mga materyales
na mapagkukunan at yaong mayroon kang malawak na kaalaman.
2. Paglalahad ng Layunin
Isa-isahin ang iyong dahilan o layunin kung bakit nais isagawa
ang
pananaliksik. 3. Paglalahad ng Pansamantalang Bibliyograpi
▸ Ang bibliyograpi ay talaan ng iba't ibang sanggunian
katulad ng
mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin, at iba pang
nalathalang material. Maaari ring gamitin ang internet.
4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas Makatutulong ito para sa mas mabilis na pananaliksik dahil ito ang
nagbibigay ng direksiyon at magsisilbing patnubay mo sa pagbasa
at pangangalap ng mga tala. 5. Pangangalap-Tala o Note Taking
Sa paghahanap ng tala ay iminumungkahing gumamit ng index
card. Hatiin sa tatlo ang mga talang nakuha-lagom, tuwirang sipi
at hawig.
6. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline Sa bahaging ito, planuhin at isiping mabuti ang
kabuuang
pananaliksik at isiping mabuti ang kabuoang pananaliksik na
gagawin.
7. Pagsulat ng Burador or Rough Draft ➤ Tuloy-tuloy na isulat ang mga kaisipang dumadaloy sa isip. Huwag munang bigyang-diin ang mga maling pangungusap.
8. Pagwawasto at Pagrebisa ng Burador
Sa bahaging ito ay bigyang-pansin ang nilalaman at paraan ng pagsulat gayundin ang baybay, bantas, at wastong gamit ng mga
salita.
9. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik Isulat ang pinal na pananaliksik batay sa pormat na ibinigay ng
guro.
![Pagpapakilala Ng AralinSa Araling Ito Pagaaralan Mo Ang Tungkol Sa Ibat Ibang Hakbang PananaliksiksaA Ibat Ibang Hakbang Sa PananaliksikAng Pananaliksik Ay Ang class=](https://ph-static.z-dn.net/files/d65/82a676047104f5bb89cdf4a5b117fefb.jpg)