👤

B. Panuto: Basahin ang teksto sa ibaba. Ipaliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa pamamagitan ng pagsagot sa gabay na tanong. Pandemya Lian R. Conarco Si Abdul ay isang Muslim. Siya ay ipinanganak sa Mindanao at mula sa isang mahirap na pamilya. Dahil sa kahirapan siya ay maagang namulat sa pagbabanat ng buto sa kanilang probinsya. Alam niya na hindi sapat ang kaniyang kinikita sa pagtatrabaho kung kaya naisipan niyang lumuwas ng Maynila. Natuto siyang maging isang tindero ng tindahan ng mga cellphone sa umaga at kapag gabi naman ay sumasama siya sa pamamasada ng jeep. Dahil sa sobrang pagod hindi na niya namamalayan nan bumabagsak na ang kaniyang katawan at napapabayaan na niya ang kaniyang sarili. Sa kaniyang sobrang pagiging abala ay nakakalimutan na niyang kumain sa tamang oras at magpahinga. Mas lalong nabahala si Abdul sa maaring mangyari sa kaniya ng malaman niya na ang bansa ay kumakaharap sa isang matinding pandemya ang patuloy na paglaganap ng virus na kung tawagin ay Corona Virus.

Gabay na tanong: Ano kaya ang maaring kahinatnan ni Abdul batay sa binasang sitwasyon? Ipaliwanag ang maaaring maging sanhi ng bunga nito.

Pamantayan:
a.) Napaliwanag ang sanhi at bunga ng pangyayari
b.) May wastong bantas
c.) Magkakaugnay ang mga salita

KABUUAN 1 puntos 1 puntos 1 puntos 3 puntos​