Sagot :
SAGOT:
6. Ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickle
A.) core
- Ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig ay tinatawag na core na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel.
7. Malalaking masa ng solidong baton a hindi natitinag sa posisyon.
C.) plate
- Ang daigdig ay may plate o malalaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa posisyon. Sa halip, ang mga ito ay gumagalaw na tila mga balsang inaanod sa mantle.
8. Distansyang angular na nasa pagitan ng dalawang meridian patungo sa kanluran ng prime meridian .
C.) longtitude
- Ang distansyang Angular na nasa pagitan ng dalawang meridian patungo sa kanluran ng Prime Meridian.
- Ito rin ang mga bilog (great circles) na tumatahak mula sa North Pole patungong South Pole.
9. Ang distansyang angular na nasa pagitan ng dalawang parallel patungo sa hilaga o timog ng equator.
B.) latitude
- Distansyang Angular sa pagitan ng dalawang parallel patungo sa hilaga o timog na equator.
- Ang equator ang humahati sa globo sa hilaga at timog hemisphere o hemispiro.
- Ito rin ang itinatakdang zero degree latitude.
10. Tanging planeta sa solar system na kayang makapagpanatili ng buhay.
B.) Earth
- Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system na kayang makapagpanatili ng buhay.
- Ang malaking bahagi ng ating planeta ay may kaaya-ayang atmospera at sapat na sinag ng araw, init at tubig upang matustusan ang pangangailangan ng mga halaman at hayop sa balat ng lupa.