Panuto: Sagutan ng Tama o Mali ang mga sumusunod na pahayag. Gawin ito sa inyong kuwaderno.
1. Ang isang dokumento ay maaaring gawin sa Word Processing tool.
2. Ang Microsoft Word ay isang halimbawa ng Word Processing Tools.
3. Ang paggamit ng iba't ibang disenyo sa paggawa ng dokumento ay hindi pinapayagan sa Word Processing Tool.
4. Sa pag-save ng ginawang dokumento, i-click ang File tab, i-click ang Save, i click ang This PC, i-click ang Documents, i-type ang filename = "Word1" at i click ang Save button.
5. Ang paggamit ng Word ay nakatutulong para mapadali ang paggawa ng isang dokumento. 6. Sa paglagay ng table, at objects, i-click ang Layout tab sa ribbon.
7. Gumamit ng Word Processing Tools para makalikha ng isang makahulugan at maliwanag na mga datos sa isang dokumento.
8. Makikita sa ribbon ang mga command na maaaring gamitin sa pagpapaganda at paglalagay ng mga disenyo sa ginagawang dokumento.
9. Ang Design tab sa ribbon ay naglalaman ng page borders at watermark.
10. Matatagpuan sa Insert tab ang sukat ng papel, margin at orientation na maaaring gamitin sa paggawa ng dokumento