👤

Ano ang kahulugan ng tulay

Sagot :

Sagot:  

Ang kahulugan ng tulay sa buhay ng tao ay nagsisilbing daan o kaya hakbang upang makamit ang isang bagay o tunguhin (brainly.ph/question/7209976). Gayundin, ginagamit itong estraktura upang makatawid sa kabilang lugar, at ito ay kalimitan tinatayo sa bangin, lambak, riles, kalsada o sa may ilog at dagat. At nagsisilbing dugtungan ito para makadaan (brainly.ph/question/7473574)

Paliwanag:

Ang dalawang kahulugan o ibig sabihin ng salitang tulay ay tumutukoy sa dalawang bagay, ito ang Denostasyon at Konotasyon.  

Denotasyon

ito ay may literal at totoong pagkakahulugan ng isang bagay. O sa ibang salita, ito ay may direktang kahulugan may kaugnayan sa diksyunaryo.  

Konotasyon

ito ay may kahulugan na malalalim na mga salita. Maituturing na personal o pansariling kahulugan ng isang bagay o kaya pangkat.  At karaniwan itong naiiba sa mismong kahulugan ng isang salita.  

Mga Halimbawang Salita ng Denotasyon at Konotasyon:

1. Pula

Denotasyon: Ito ay tumutukoy sa kulay

Konotasyon: Sumisimbulo ito sa pag-ibig at pagmamahalan

2. Ahas

Denotasyon: isang uri ng hayop  

Konotasyon: tumutukoy ito sa taong nagtraydor sa kapuwa o kaya naman gumagawa ng masama sa patalikod

3. Lampara

Denotasyon: bagay na nagbibigay ilaw kapag madilim ang paligid at kapag hindi natin makita ang hinahanap.  

Konotasyon: nagsisilbing daan ito upang maliwanagan tayo ng landas sa paraan ng pamumuhay. At pagtahak sa tamang bagay o desisyon.  

4. Ilaw ng tahanan

Denotasyon: tumutukoy ito sa liwanag sa loob ng bahay  

Konotasyon: nanay

Para sa higit na impormasyon, tingnan ang link na ito:

Iba’t ibang mga halimbawang salita ng Denotasyon at Konotasyon

brainly.ph/question/492575

brainly.ph/question/92657

#BrainlyEveryday  

Answer:

Ang tulay ay isang istraktura na itinayo upang sumaklaw sa isang pisikal na balakid nang hindi nakaharang sa daan sa ilalim. Ito ay itinayo para sa layuning magbigay ng daanan sa ibabaw ng balakid, na kadalasan ay isang bagay na mahirap o imposibleng tumawid.

Explanation:

yan po yung sagot

pede pa follow??