Balikan Panuto: Sagutin ng TAMA MALI. Isulat sa sagutang-papel ang tamang sagot. 1. Hindi kinilala ng mga Amerikano at iba pang dayuhang bansa ang Unang Republika ng Pilipinas. 2. Noong Pebrero 24, 1898 pinasinayaan ang Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan. 3. Hindi pormal na ipinagkaloob ng España ang Pilipinas sa Amerika. 4. Lubos ang pagtanggap ng mga Pilipino sa kanilang pangulo na si Emilio Aguinaldo at ang kapangyarihan ng Republika ng Pilipinas. 5. Nilusob ng mga Amerikano ang hukbo ng mga Pilipino pagkatapos nabaril at napatay ang isa sa apat na sundalong Pilipino. 6. Si Heneral Antonio Luna ang namuno sa labanan sa Bulacan 7. Ang dakilang bayani ng Tirad Pass ay si Heneral Antonio Luna. 8. Noong Marso 30, 1899 tuluyang bumagsak ang kabisera ng unang Republika sa Malolos. 9. Sa pagkatalo ng mga Pilipino sa labanan sa Malolos, Bulacan ay lumipat si Aguinaldo sa San Fernando, Pampanga. 10. Inilipat kaagad ni Aguinaldo sa La Union ang kabisera ng Republika matapos na mapasakamay ng mga Amerikano ang Malolos.