B. Magmasid sa loob ng tahanan at tayo ay mag-sort at mag-filter. Gawing gabay ang mga sumusunod na hakbang. 1. Magtala ng sampung (10) kagamitang makikita sa loob ng inyong tahanan tulad ng lamesa, upuan, aparador at iba pa. 2. Sa tulong ng magulang itala ng presyo o halaga ng bawat kagamitan 3. Gamit ang spreadsheet gumawa ng listahan ng mga ito. 4. Gumawa ng pagsusuri sa mga presyo ng mga kagamitan sa pamamagitan ng sort at filter command. a. nakaayos mula sa pinakamataas na presyo hanggang pinakamababa. b. nakaayos ng paalpabeto mula A-Z. c. nakaayos mula sa pinakamababang presyo ng kagamitan hanggang pinakamataas.