Pangangatwiran Sanhi at Bunga Pagsasalaysay Paglalahad Paglalarawan Paghahambing at Pagsasalungatan 1. Ang pag-ibig ay isang damdaming buhay sa puso. Ang umiibig ay handang magpakasakit alang-alang sa kanyang iniibig. 2. Una sa lahat, ang isang Pilipino ay bahagi ng kanyang pamilya. Kahit siya ay doktor, manunulat, siyentipiko, o ano pa man, nananatili siyang ama o anak, pamangkin o apo, sa loob ng kanyang pamilya. Dito ay iba ang kanyang katungkulan at ang pagkakakilala sa kanya. Sa lahat ng oras ay pangunahin sa kanya ang kanyang tungkulin bilang kasapi ng isang pamilya. 3. Ang pagiging matuwid ni Miss dela Cruz ay senyales ng isang mabuting guro at ito ay hindi kataka-taka sapagkat ang ama't ina niya ay mahusay ring mga guro. 4. Nagkaroon siya ng kanser sa baga dahil sa labis na paninigarilyo. 5. Punong-puno ng nakakatakot na larawan ang kanyang ulo.