👤

ano ang aral na mapupulot sa ang munting prinsipe

Sagot :

Kasagutan:

Mga aral na makukuha sa Munting Prinsipe:

  • Alagaan ang ating planeta dahil ito ang ating tirahan

  • Ang mga importanteng bagay sa buhay ay di nakikita ng mata kundi nadarama ng puso

  • Ang ating relasyon sa mga mahal natin sa buhay ang rason kung bakit makabuluhan ang buhay

Iba pang impormasyon:

Ang Munting Prinsipe

Ang Munting Prinsipe na may orihinal na titulong Le Petit Prince ay isinulat ni Antoine de Saint-Exupéry na isa ring piloto at aristokrat.

Ang Munting Prinsipe ay isang novella na ang pangunahing tema ay innocence o pagkainosente. Marami ang matututunang aral sa novella na ito. Ito rin ay puno ng simbolismo.

Ang kwento ay tungkol sa piloto na nasiraan sa Sahara Desert at nakilala ang munting prinsipe mula sa ibang planeta.

Mga tagpuan sa Munting Prinsipe:

  • Planetang B-612
  • 6 na Planeta iba pang planeta ito ay ang planetang 325, 326, 327, 328, 329, at 330
  • Disyerto ng Sahara sa planetang Earth

Mga katangian ng pangunahing tauhan sa ang munting prinsipe?

Munting prinsipe - Siya ay simbolo ng pagka-inosente, dalisay, at kamangmangan. Marami siyang bagay na hindi lubos na maintindihan kaya naglakbay siya upang madiskubre ang katotohanan sa mundo.

Piloto - Sinisimbolo niya ang mga adults o adulto na may malalim na kamalayan sa nararamdaman at kalikasan ng mga bata. Hindi naman dahil adulto ka na at abala ka sa mga reponsibilidad ay kakalimutan mo na ang iba mong kalikasan noong ika'y bata pa. May mga bagay sa ating childhood na magandang dalhin o balikan.

Rosas - Sinisimbolo niya ang bagay na talagang mahalaga sa atin. Imperpekto man siya, mapagmalaki, at minsan ay makasarili ay may pakialam siya sa kanyang minamahal.

Alamid - Sinisimbolo niya ang isang taong maalam at may malalim na kamalayan sa katotohanan sa mundo. Siya ang nagpaintindi sa prinsipe na ang totoong mahalaga sa atin ay hindi nakikita sa pisikal lamang na kaanyuan dahil nararamdaman ito ng puso.