👤

Gawaing Pagkatuto Bilang 13: Ang sumusunod na pangungusap ay may mga mahahalagang konsepto na dapat mong tandaan. Kopyahin ang mga pangungusap sa sagutang papel at alisin ang salitang nagpapamali ng ideya ng pangungusap. 1. May ilang bagay na nakikita sa tahanan o paaralan na maaaring solid, liquid o gas. 2. Ang mga kagamitang makikita sa palengke ay may masamang naidudulot sa ating pang araw-araw na gawain. 3. May mga bagay na mayroong masamang dulot sa mga tao, hayop at halaman kung ito ay wasto ang pagkakagamit. 4. Huwag tayong maingat sa paggamit ng mga bagay na matutulis, matatalim, maiinit, mabibigat at ginagamitan ng kuryente. 5. Mahalagang malaman at isaisip ang wastong paggamit ng solid, liquid at gas upang maiwasan ang aksidente at mabuting dulot ng mga ito.​