IV. Pagtataya: Panuto: Piliin ang tamang sagot sa pangungusap. Isulat ang titik lamang sa iyong sagutang papel.
1. Isa sa mga nabanggit ang hindi tugma, kapag sinabi nating ang wika ay makabuluhan dahil ito ay a.) sumasalamin sa kultura c.) gamit sa pakikipagtalastasan b.) nagbubuklod o nagbibigkis sa mga tao d.) nag-uugnay sa paghahanap ng kamag- anakan 2. Napanatili nila ang kanilang orihinal na kultura dahil ito ay hindi nabahiran ng mga dayuhang Aryans. a) Arabs b) Dravidians c) Ngalops d) Balinese 3. Pocket house ang kanilang tirahan na matatagpuan sa kabundukan at bihasa sa paggamit ng kabayo. a) Balinise b) Arabs c) Tajik d) Manchu 4. Ang pagtatayo ng mga templo ay bahagi ng tradisyon at kulturang Ngalops, kung tawagin ang templo nila ay Dzongs. Saang bansa ito matatagpuan? a) India b) Bhutan c) Nepal d) China 5. Ang kilos ng mata, kamay at ekspresyon ng mukha sa tradisyonal nilang sayaw ay likas sa kanilang pagkakakilanlan. Halos ang kanilang kinamulatan na kultura ay may bahid espirituwalidad at relihiyon. a) Balinese b) Dravidian c) Javanese d) Tajik