Sagot :
Answer:
Ang katagang sumapit ay nangangahulugang dumating. Ito ay isang pandiwa na nasa aspetong pangnagdaan. Pansinin na ang salitang ito ay may panlapi na -um sapagkat ang salitang ugat nito ay sapit na ang kahulugan ay pagdating sa patutunguhan. Kinakailangan na ang kasing kahulugan nito ay nasa kayariang salitang ugat + panlaping -um kaya naman kapag ang salitang dating ay nilagyan ng panlaping -um ito ay magiging dumating. Ang salitang ito ay karaniwang ginagamit sa pagpapahayag na merong inaasahan tulad ng panauhin, okasyon na maaaring kaarawan, anibersaryo, o binyag, kaalaman o kasanayan na matatamo, pag-abot sa sukdulan ng tagumpay o pangarap, at ang katapusan ng paglalakbay o ang inaasahang bunga ng pagkilos at pagsisikap.
Explanation:
hope it helps :)