👤

Ano ang akda sa talata na kaligtasan ng mga nangangailangan

Sagot :

Answer:

Kaligtasan ng mga Nangangailangan Ang pagtulong sa kapwa ay naging ugali na ni Jacinta. Bawat pulubing lumapit sa kaniya’y kaniyang nililimusan. Madalas naiimbitahan niya ang mga batang mahihirap na makipaglaro sa kaniya. Si Jacinta ay madasalin. Tuwing araw ng Linggo, siya ay nagsisimba. Pagkatapos, namimigay siya ng mga laruan, damit at pera sa hanay ng mga pulubi. Napamahal si Jacinta sa kaniyang mga kababayan. Nakaugalian na ng mga tao na dalawin si Jacinta tuwing araw ng Pasko. Kakatok sila sa pintuan ng kaniyang tahanan at sila’y masayang patutuluyin at hahainan ng sari-saring pagkain. Isang araw ng Pasko, sa kanilang pagtataka, walang sumasagot sa kanilang pagkatok. Umakyat ang mga tao sa kabahayan at laking gulat nila nang makitang nakahandusay sa sahig at wala nang buhay si Jacinta. Nalungkot at nag-iyakan ang mga tao sa sinapit ng kanilang idolong si Jacinta.