Sagot :
Answer:
Makatwiran. Binibigyang-halaga ang bawat
sentimo at sinisigurong kapaki-pakinabang
ang bibilhing produkto. Hindi nag-aaksaya ng pera
sa mga bagay na hindi kailanganKatangian ng isang matalinong mamimili
Hindi lahat ng mga mamimili ay nasusulit ang perang
nagagastos. Kung kaya’t dapat na maging mahusay
sa pamimili para walang sentimo na nasasayang.
Explanation:
Ctto.
sa pamimili para walang sentimo na nasasayang.
Nais ng lahat na maging matalinong mamimili dahil ibig sabihin nito ay nasusulit natin ang bawat sentimong ating ginagastos para sa bawat produkto. Ang sumusunod ay ilan sa mga pamantayan sa pamimili:
1. Mapanuri
Sinusuriang produktong bibilhin. Tinitingnan ang sangkap, presyo, timbang, pagkakagawa, at iba pa. Kung may pagkakataon pa, inihahambing ang mga produkto sa isa’t isa upang makapagdesisyon nang mas mabuti at mapili ang produktong sulit sa ibabayad.
2. May Alternatibo o Pamalit
May mga panahon na walang sapat na pera ang mamimili upang bilhin ang produktong dati nang binibili. Maaari ding nagbago na ang kalidad ng produktong dati nang binibili. Ang matalinong pamimili, sa ganitong pagkakataon, ay marunong humanap ng pamalit o panghalili na makatutugon din sa pangangailangang tinutugunan ng produktong dating binibili.
3. Hindi Nagpapadaya
May mga pagkakataon na ang mamimili ay mapapatapat sa isang tindero o tinderang may hindi magandang hangarin. Ang matalinong mamimili ay laging handa, alerto, at mapagmasid sa mga maling gawain lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan.
4. Makatwiran
Lahat ng konsyumer ay nakararanas ng kakulangan sa salapi o limitadong badyet. Kaya sa pagpili ng isang produkto ay isinasaalang-alang ang presyo at kalidad nito. Isinasaisip din ang kasiyahan na matatamo sa pagbili at paggamit ng produkto pati na rin kung gaano katindi ang pangangailangan dito. Makatwiran ang konsyumer kapag inuuna ang mga bagay na mahalaga kompara sa mga luho lamang.
5. Sumusunod sa Badyet
Ito ay kaugnay ng pagiging makatwiran ng matalinong konsyumer. Tinitimbang niya ang mga bagay-bagay ayon sa kanyang badyet. Hindi siya nagpapadala sa popularidad ng produkto na may mataas na presyo upang matiyak na magiging sapat ang kaniyang salapi sa kaniyang mga pangangailangan.
6. Hindi nagpapanic-buying
Ang artipisyal na kakulangan na bunga ng pagtatago ng mga produkto (hoarding) ng mga nagtitinda upang mapataas ang presyo ay hindi ikinababahala ng isang matalinong konsyumer dahil alam niyang ang pagpapanic-buyingay lalo lamang magpapalala ng sitwasyon.
7. Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo
Ang pag-endorso ng produkto ng mga artista ay hindi nakapagpapabago sa pagkonsumo ng isang matalinong konsyumer. Ang kalidad ng produkto ang tinitingnan at hindi ang paraan ng pag-aanunsiyo ng gamit
Explanation:
i hope its helps to you :)