Sagot :
Answer:
Implikasyon ng Bata at Matandang Populasyon
Kapag mas marami ang bata sa populasyon ng isang bansa, nangangahulugan itong mataas ang population growth rate nito at maaaring tumaas pa ang bilang ng populasyon sa mga susunod na panahon. Ang mataas na bilang ng mga kabataan sa populasyon ay nagbibigay din ng ideya na malaki ang workforce ng bansang ito at pwede itong maka-akit ng maraming mamumuhunan.
Sa kabilang banda naman, kung mas marami ang matatanda sa populasyon ng isang bansa, nangangahulugan itong kakaunti lamang ang mga pinapanganak na bata at maaaring humantong ito sa extinction ng population sa loob ng ilang daang taon.
Ang Japan ay isang magandang halimbawa ng bansa na tumatanda ang populasyon, habang ang bansang Niger sa Africa naman ang may pinakabatang populasyon.