Sagot :
Answer:
Ang mga hakbang at panuntunan para sakin ay sapat na para bumaba ang kaso ng covid 19 kahit saang lugar pa yan, marami o maliit man ang kaso ng virus. Pero kung ang mga mamamayan ay walang disiplina, hindi marunong tumulong at ayaw makisama, wala paring mangyayari sa mga nasabing lugar. Tamang pagsunod lang sa mga hakbang at panuntunan ng mga eksperto, maililigtas natin hindi lang ang mga sarili natin, pati na ang kapwa maging ang mundo sa sakunang kinakaharap natin ngayon. Muling dadaloy ang buhay na nakasanayan natin noon, sa mas mabuti at magandang paraan at panahon.