Simulan Bago magpatuloy, subukin muna natin kung hanggang saan ang nalalaman no sa ating aralin sa pamamagitan ng pagsagot ng paunang pagtataya na nasa ibaba Gawain 1: Fact or Bluff Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag na nasa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ito ng FACT kapag ito ay nagsasabi ng katotohanan o akma sa tinutukoy na sagot; BLUFF kapag ito naman ay hindi akma. Ilagay ang iyong sagot sa hiwalay na sagutang papel. 1. Sa introdukisyong bahagi ng posisyong papel ipinakikilala ang panauhing pandangal na siyang sentro ng paksa. 2. Kailangan ang paliwanag sa inga katuwiran na inihayag sa iyong posisyong papel. 3. Hindi kailangan ang katuwiran ng kabilang panig sa pagsulat ng posisyong papel. Maaring magbigay ng karagdagang ebidensiya sa iyong paliwanag para lalong kapani-paniwala ang iyong paliwanag. 5. Sa posisyong papel hindi dapat banggitin ang pangkalahatang paninindigan sa usapin. 6. Kadalasang mababasa ang paksa sa unang bahagi ng posisyong papel. 7. "Dapat nang ibalik ang parusang kamatayan." Ito ay isang halimbawa ng proposisyon. 8. Sa isang posisyong papel, sapat nang maibahagi ang saloobin sa isang paksa ng may paninindigan. 9. "Gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang alternatibong panggamot.” Ito ay isang halimbawa ng proposisyon. 10. Ang posisyong papel ay isang sulatin na paninindigan lamang ng isang indibidwal.