👤

Ano ang resulta ng pgsabog ng bulkan?

Sagot :

Answer:

Ang bulkan ay isang puwang sa ibabaw ng lupa na tinatawag ding crater. Maaaring maging tahimik ang bulkan sa loob ng daan-daan o libo-libong taon ngunit hindi nangangahulugang hindi na ito sasabog. Kapag nagsimula nang gumalaw ang lupa malapit dito ay senyales ng pagiging aktibo at banta ng pagsabog. Makaririnig din ng dumadagundong na ingay mula sa ilalim ng lupa at paglabas ng  maitim na usok galing sa bunganga ng bulkan. Ang pagsabog ng bulkan ay iba-ibang klase: may mga bulkan na nagwiwisik ng maapoy na lava mula sa crater, naglalabas ng maiinit na bato, naglalabas ng lava galing sa mga siwang sa tagiliran nito, bulkan na nagbubuga ng mainit na ulap at gas.

Mabuting Epekto ng Pagsabog ng Bulkan

Ang mga sumusunod ang mabubuting epekto ng pagsabog ng bulkan:

Ang mga abo at pyroclastic na materyal mula sa bulkan ay nakakapagpataba ng lupa mainam sa produksyon ng mga pananim tulad ng niyog, abaka, at tubo.

Ang mga mineral na materyal galing sa bulkan tulad ng perlite, pumice, scoria, borax at sulfur ay ginagamit sa iba't-ibang  industriya.

Kapag hindi aktibo ang bulkan, ang mainit na singaw mula dito ay nagagamit  sa paggawa ng elektrisidad,  libangan at benepisyong pangkalusugan.

Di-mabuting Epekto ng Pagsabog ng Bulkan

Ang mga sumusunod ang di-mabubuting epekto ng pagsabog ng bulkan:

Ang pagbagsak ng abo o ashfall ay makapagdulot ng peligro sa mga tao, hayop, pananim, kagamitan at gusali.

Ang malapot at mabilis na pag-agos ng mga materyales na pyroclastic  ay nakamamatay sa lahat ng  bagay na matatabunan nito.  

Ang lahar o mudflows mula sa bulkan at tubig ay makakasira ng mga imprastraktura at makapagpapabara ng mga daluyan ng tubig.

Ang mga malakas at di-gaanong malakas na ulan na hindi  nagiging lahar ay nagdadala ng maraming latak na nagiging  sanhi ng pag-apaw ng ilog at pagbaha sa mga mabababang lugar.

Pagkakaroon ng mga phreatic explosions.

Kapag ang mga pyroclastic flows ay nahalo sa mainit na tubig, nagkakaroon ng mga pagsabog ng steam na tinatawag na pangalawang pagsabog.

Nagkakaroon din ng lindol sanhi ng pagsabog ng bulkan

Mga Uri ng Bulkan

May limang uri ng bulkan ayon sa paraan ng pagsabog at hubog:  

shield

cinder cones

stratovolcanoes

domes  

calderas