Sagot :
Answer:
Answer:
Pangangalaga sa Likas na Yaman
Ang pangangalaga sa likas na yaman at kapaligiran ay mahalaga. Ito ay hindi dapat natin pinapabayaan at pinagwawalang bahala, dahil dito rin nakasalalay ang ating mga buhay. Kaya lahat tayo ay dapat na magtulungan at magkaisang mangalaga at magpanatili ng kaayusan at kagandahan ng ating likas na yaman. Huwag na nating hintaying kalikasan na ang gumanti ng dahil sa ating mga kapabayaan.
Mga Paraan upang Mapangalagaan ang Likas na Yaman
- Sa isang simpleng paraan sa pamamagitan ng pagtatapon ng mga basura sa tamang basurahan. Paghiwalayin ang mga nabubulok sa hindi-nabubulok. Isapuso ang 3R's na nangangahulugang Reduce, Reuse at Recycle. Pag-iwas sa pagtatapon ng mga basura sa mga ilog, kanal, sapa at iba pang mga yamang tubig na karaniwang sanhi ng pagbaha.
- Pagtatanim ng mga halaman o mga puno. Iwasan ang pagputol ng mga puno, sa kagubatan upang maiwasan ang pagguho ng mga lupa na kung tawagin ay "soil erosion" at biglaang pagbaha dahil wala ng sisipsip sa mga tubig tuwing umuulan. Dahil sa mga puno may nalalanghap tayong sariwa at preskong hangin upang tayo ay mabuhay. Sa mga puno at halaman rin nanggagaling ang oxygen na kailangan ng tao.
- Ang pagbabawas ng mga sasakyang naglalabas ng maiitim na usok. Ito ay nagiging sanhi ng malubhang polusyon sa bansa. Ang ating malinis na hanging nalalanghap ay napapalitan ng maruming hangin dala ng mga sasakyan at mga pabrika.
- Pag-iwas sa mga ilegal na gawaing pang-kalikasan tulad pagmimina, at pagkakaingin.
- Pagpigil sa mga pang-aabuso sa lupa, tulad ng reforestation at deforestation, walang habas na pagkuha ng mga likas na yaman at panghuhuli ng mga hayop upang ibenta.
- Pag-iwas sa dynamite fishing, cyanide fishing at muro-moro system na ginagamit ng mga mangingisda dahil sa mga gawaing ito ay marami na ang mga nasisira at namamatay na mga likas na yamang tubig.
Explanation: