Sagot :
Answer:
Ano kahulugan ng taimtim?
Ang salitang taimtim ay isang panguri. Nilalarawan nito ang isang magandang katangian ng tao. Ang kahulugan ng salitang taimtim ay ang mga sumusunod:
walang pagkukunwari
walang pandaraya
ganap na nasa damdamin o isipan
taos-puso
sinsero
tapat
Sa Ingles ito ay heartfelt, solemn o sincere.
Mga Halimbawang Pangungusap Gamit Ang "Taimtim"
Isang taimtim na panalangin ang isinagawa sa buong Pilipinas para sa laban sa CoVid-19.
Makikita mo ang taimtim na pagtulong ng mga kaibigan niya nang malaman na may malubha siyang karamdaman.