👤

Bakit nagging salik ang kolonyalismong español sa pagbuo ng kamalayang pambansa

Sagot :

Dahil ang nasyonalismo o makabansa ay nagsimula sa bansang Europa. Maraming mga kaalaman ang pumasok dahil sa pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang pangangalakal. Ang pagkamatay ng tatlong paring martir at ang pag-aaral ng mga ilustrado sa Europa.

Pinaigsi ng pagbukas ng Suez Canal ang paglalakbay mula Europa patungo sa Pilipinas. Nagresulta ito sa medaling pagpasok ng mga aklat sa bansa. Pero ipinagbawal ang pagbabasa ng mga aklat ang ilang mga Pilipino.

Pansamantalang nakaranas ng kaunting kalayaan ang mga Pilipino sa pamamahala ng liberal na gobernador-heneral na si Carlos Maria de la Torre. Ipinatupad niya ang ilang pagbabago sa lipunan tulad ng pagbabawas sa kontrol ng mga prayle sa edukasyon. Bunga nito, naging popular siya sa mga liberal na Espanyol at Pilipino.

Ang kamatayan ng tatlong pari, GomBurZa (Gomez, Burgos, at Zamora) ang nagwakas sa karapatan ng mga Pilipino. Malaking tulong ang pagiging pari ng GomBurZa sa pagpukaw ng damdamin ng mga Pilipino. Matapos ang pagbitay sa tatlong pari, lumikas ang mga liberal na Pilipino at Espanyol na mga tagasuporta ng Kilusang Sekularisasyon upang maiwasan nila ang pag-aresto at pagpatapon ng pamahalaan.

May isang kilusan ang itinatag sa Europa. Tinatawag itong Kilusang Propaganda o Kilusang Repormista. Binubuo ito ng mga mag-aaral na Pilipino at Espanyol. Naging estratehiya ng Kilusang Propaganda sa paggamit ng mapayapang paraan upang makamit ang mga layunin nila.

Matapos ang kabiguan ng Kilusang Propaganda, isang lihim naman na kilusan na itinatag sa Maynila. Ito ay ang Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK. Ang mithiin lang ng KKK o Katipunan ay ang kalayaan ng Pilipinas sa Espanya.

Nagsilbing gabay ng mga kasapi ng Katipunan sa pang araw-araw na pamumuhay ang Kartilla ng Katipunan. Ito ay isinulat ni Emilio Jacinto na tinuguriang “Utak ng Katipunan”. Malaki ang papel ng mga Katipunero fdahil ipinakita nila ang kanilang katapangan para sa kalayaan ng Pilipinas.

Mabuti at hindi mabuting epekto ng kolonyalismo: brainly.ph/question/14408312

#BRAINLYFAST