Gawain 15. Thank You Letter. a. Batay sa natutuhan tungkol sa ginampanan ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, sumulat ng isang liham pasasalamat b. Isaalang-alang ang mga sumusunod na hakbang sa gawaing ito: 1. Pumili ng isang anyong lupa, tubig o kahit anong bagay na may kaugnayan sa heograpiya ng mga sinaunang kabihasnan na nais mong gawan ng liham pasasalamat. 2. Isulat sa liham ang sariling saloobin tungkol sa mahalagang papel na ginampanan nito sa buhay ng mga sinaunang tao. 3. Gawing batayan ang kasunod na rubric sa pagmamarka ng iyong liham.