👤

anong pagkain Ang maaari nating kainin upang maiwasan Ang sakit na goiter?

A.pagkaing dagat B.itlog C.keso D.yogurt​


Sagot :

Answer:

A

Explanation:

Ang pagkaing dagat ay mataas ang iodine.

Ang iodine ay ang tagapamalaga ng thyroid gland at mabisang pangontra sa goiter. Tandaan na ang isa sa mga sanhi ng goiter ay ang iodine deficiency kaya kailangang dagdagan ang konsumo nito. Kumain ng mga halamang dagat tulad ng seaweed at kelp. Kumain din ng isda at iba pang lamang-dagat tulad ng hipon, talangka, at shellfish.

Ang mani, gatas, at pasas ay mataas din ang nilalamang iodine. Kung gagamit ng asin sa pagluluto, siguraduhin na ito ay iodized salt dahil mas mabuti ito para iyong goiter.

Nakakatulong man ang iodine sa pag-iwas sa goiter, ang sobra-sobrang konsumo dito ay maaari ring maging sanhi ng nasabing sakit. Magkaroon ng balanced diet upang maiwasan ang karamdaman.