👤

Mga salik na nakakaapekto sa pagkukunsumo​

Sagot :

Answer:

pambansang kamaong ay si many paqui

Answer:

Maraming mga bagay o salik ang nakakaapekto sa pagkonsumo. Ang ilan sa mga pangunahing salik na ito ay ang mga sumusunod:

1. Kita - Sa pagtaas o pagbaba ng kita ng mga tao, ito ang nakakapagsabi kung paano ba paggastos o pagkonsumo. Kung ang kinikita ng isang manggagawa ay mataas, magiging mataas din ang kanya kanyang pagkonsumo o ang kanyang kakayahang bumili (purchasing power) tataas din.

2. Distribusyon ng kita - Ang malawak na hindi pagkakapantay pantay ng sahod ay nakakababa sa kabuunang kakayahan na komunsumo o gumastos. Lalo na sa mga mayayaman na nabili na o madaling makabili ng mga pangunahin nilang pangangailangan. Kung patas o pantas ang pagkakabaha bahagi ng yaman o kita ay magbibigay daan sa pagtaas ng kakayahan sa pagkonsumo.

3. Pinansyal na Polisiya ng mga Korporasyon - Makakaapekto ang pagbabaha bahagi ng mga dibedendo ng mga korporasyon sa mga miyembro nito. Kung pantay pantay at maaayos ang  pagbabaha bahagi ng mga dibedendo, makakadagdag ito sa kanilang kakayahan na bumili o gumastos.

4. Pagbabago sa mga inaasahan (expectations) - Ang mga tao ay maaaring magmadali na bumili ng mga prodyus ng sobra sa karaniwang nilang pagbili kung sila ay may inaasahan na pangyayari tulad ng bagyo, o lockdown. Kapag nangyari ito tataas ang porsyento ng pagkonsumo kahit hindi naman tumaas ang kita.

5. Polisiyang Piskal -  Ang polisiyang piskal ng ating gobyerno ay may kinalaman sa pagbubuwis, paggastos, at ang pampublikong utang ay makakaapekto sa pagbabago sa pagkonsumo.  Kung ang polisiya ng gobyerno ay magreresulta sa mataas at mas magandang sistema ng pagbubuwis, mas magkakaroon ng pagkakapantay pantay sa pasahod dahil mas magkakaroon ng pondo ang pamahalaan para sa mga empleyado.

6. Demograpikong salik -   Ang mga pagkakaiba iba sa salik na ito tulad ng laki ng pamilya, kondisyo/estado ng pamilya, lugar ng panirahan, trabaho at iba pa. Ang mga pamilyang mas maraming miyembro ay mas mataas ang pagkonsumo kumpara sa mas konti ang miyembro.

Explanation:

Ang mga bagay na nabanggit ay nakakaapekto sa kakayahan ng isang tao o ng isang pamilya upang gumastos ng kanilang mga kailangang pangkonsumo.

#BrainlyFast