Gawain 1 Anong damdamin ang nangingibabaw sa bawat pahayag. Isulat sa patlang sa unahan ng bilang kung anong damdamin ito. 1. "Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga ibang namatay sa labanan: natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa sa katulad kong nakakahiya ang pagkamatay." 2. "Ako ang pumutol ng punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang nakapatay kay Humbaba, at ngayon tingnan mo ang nangyari sa akin?" 3. “Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan? Maraming di kapani-paniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman ng iyong puso?" 4. Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit niya ang aking kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sino man sa pamamagitan ng panaginip." 5. "Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano."