👤

1. Ano ang kaugnayan ng populasyon sa pinagkukunang yaman ng Asya?
2. Ano ang kaugnayan ng Edad ng mga tao sa hanapbuhay nila?

3. Ano ang kaugnayan ng dami ng tao sa pag-unlad ng mga bansa sa Asya?


Sagot :

Answer:

1. Ano ang kaugnayan ng populasyon sa pinagkukunang yaman ng Asya?

Ang kaugnayan nito ay kung magkakaroon pa ng patuloy na pagtaas ng populasyon ng tao ang Asya, darating ang araw na masasaid ang mga yaman nito. Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit apat na bilyong tao ang naninirahan sa Asya, at nararamdaman na ng ilang mga bansa ang tindi ng kompetisyon pagdating sa mga yaman. Sa hinaharap, kung lalo pang dumami ang mga tao, mas magiging mahirap na ang maghanap ng mga pangunahing pangangailangan. Maaari din itong humantong sa mga sigalot o digmaan.

2. Ano ang kaugnayan ng edad ng mga tao sa hanapbuhay nila?

Ang mga taong mas bata pa ay kadalasang makikita sa mga trabahong may kinalaman sa teknolohiya, o hindi naman kaya ay yung nangangailangan ng lakas ng katawan. Sa kabilang banda, ang mga hanapbuhay na may kaugnayan sa mga matatanda ay itong mga hindi nangangailangan masyado ng lakas ng katawan.

3. Ano ang kaugnayan ng dami ng tao sa pag-unlad ng mga bansa sa Asya?

Kung mas marami ang tao sa isang bansa, mas marami ang work force nito na siyang magiging dahilan upang mag-invest ang ilang mga banyagang kumpanya.