1. Ano ang masarap na panghimagas ang nanggagaling sa laman ng buko ng niyog? Kilala itong pagkain sa lalawigan ng Laguna. A. latik C. halo-halo B. buko pie D. lambanog 2. Alin ang bahagi ng niyog ang ginagamit sa paggawa ng matibay na 1 lubid at lambat? A. dahon C. kahoy B. bunga D. bunot 3. Ito ang isa sa pangunahing sangkap sa paggawa ng lumpiang sariwa na nagmumula sa niyog. A. lumpia wrapper C. carrots B. ubod D. bawang 4. Alin sa mga sumusunod ang epektibong panawid-uhaw na nanggagaling sa sabaw ng bunga ng niyog? A. buko juice C. softdrinks B. tubig D. wala sa nabanggit 5. Alin sa mga sumusunod ang pinakaakmang pamagat ng naturang talata? A. Ang Niyog ay Buhay B. Ang Iba't Ibang Gamit ng Niyog C. Masarap ang Sabaw ng Buko D. Ang Kagila-gilalas na Hiwaga ng Puno ng Niyog