ng France B. Panuto: Basahing mabuti ang mga kasunod na aytem. Piliin ang letra ng pinakatamang sagot at isulat ito sa inyong sagutang papel . 1. Ano ang tawag sa isang uri ng kuwento na ang higit na binibigyang- halaga o diin ay ang kilos o galaw, ang pagsasalita at pangungusap ng isang tauhan? A. kuweritong makabanghay C. kuwento ng tauhan B. kuwento ng katutubong-kulay D. kuwento ng kababalaghan 2. "Lubhang nalibang si Mathilde sa pakikipagsayaw kaya't mag-iikapat na ng madaling araw nang silang mag-asawa'y umuwi. Tanging isang lumang dokar na lamang ang kanilang nasakyan." Ang dokar ay isang A. kalesa C. lumang kotse B. maliit na bangka D. pampasaherong dyip 3. Ipinaghihinagpis ni Mathilde ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan ang nakaaawang anyo ng mg dingding, ang mga kortinang sa paningin niya ay napakapangit. Kung ikaw si Mathilde, ano ang dapat mong gawin para matupad ang mga pangarap mo sa buhay? A. Hihiwalayan ko ang aking asawa at maghahanap ng lalaking mayaman. B. Titiisin ko na lamang ang kahirapang ito at makuntento na sa kung ano ang kaya niyang maibigay. C. Maghahanap ako ng trabaho upang matulungan ang aking asawa nang gumaan ang aming buhay. D. Ipamumukha ko sa aking asawa na hindi ako masaya sa uri ng buhay na kaya niyang ibigay.paki sagot PO