👤

Isang uri ng pamahalaan itinatag sa mindanao ng mga muslim

Sagot :

Answer:

Ang uri ng pamahalaang itinatag ng mga Muslim sa Mindanao ay sultanato. Ito'y higit na malaki kaysa sa barangay. Binubuo ito ng sampung nayon o higit pa. Ang unang sultanato ay naitatag sa Sulu ni S a y y i d Abu Bakr. Sa pamamahala ng nasasakupan, ipinatupad ang mga kaugalian, paniniwala, at batas ng Islam batay sa Koran.

Ang Namumuno sa Sultanato

Sultan ang tawag sa taong namumuno sa pamahalaang itinatag ng mga Muslim. May dalawang paraan upang ang isang tao ay maging sultan. Una, ito ay namamana sa dahilang naniniwala ang mga Muslim na ang isang sultan ay dapat nagmula sa lahi ng propetang si Mohammad. Ikalawa, maaaring maging sultan ang pinakamayaman sa lugar o pamahalaan.

Bilang pinuno ng pamahalaang itinatag ng mga Muslim, siya ang tagapagpaganap, tagapagbatas at tagahukom. Siya ang nangangalaga sa kapakanan ng kanyang nasasakupan at namumuno sa mga labanan. Siya rin ang nangunguna sa mga tungkuling panrelihiyon tulad ng panalangin sa moske, pagbasa sa koran at iba pang pagdiriwang sa Islam.

Explanation:

sana po makatulong and sana po tama sagut ko hehe take care po and god bless