👤

Panuto: Piliin ang angkop na teknik sa pagpapalawak ng paksa. Isulat ang napiling C. TAYAHIN I. sagot sa sagutang papel. MGA PAGPIPILIAN: A. Paghahawig o pagtutulad B. Pagbibigay depinisyon C. Pagsusuri 1. Ang gamot ay sustansiyang kaiba sa idinulot ng pagkain na nakapagbabago sa gawain ng katawan o isipan. Ito ay maaring galling sa mga halaman o pinaghalong produkto na ginawa ng mga eksperto. 2. Dahil sa modernong panahon, ang mga kabataan ay mas lalong nagiging malikhain dahil sa kahiligan nilang manggalugad sa bagong teknolohiya o gadyet ngayon. Kung noon, pawing papel at bolpen lang ang gamit ng mga kabataan sa klase, ngayon ay marami na silang pagpipilian dulot ng teknolohiya. 3. Hindi hadlang ang kahirapan kung may pagtitiis at determinasyon sa pagkamit sa mga hangarin o pangarap sa buhay. Maraming mga pagsubok ang haharapin, mayaman man o mahirap, talagang mararanasan mo ang mga unos sa buhay. Marapat lamang na manalig ka sa Diyos na siyang lumikha sa bawat tao. 4. Sagana sa likas na yaman ang bansang Pilipinas: Luzon, Visayas, at Mindanao. Kayumanggi ang balat ng mga naninirahan dito. Maraming magagandang dilag at matitikas na binate. Namumuhay nang simple at taglay ang kakaibang talento at kakayahan. Saan man magpunta, kayang makisabay sa agos ng buhay. 5. Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalit ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo.​