Panuto: Basahin at intindihin ang mga sumusunod na mga pangungusap. Tukuyin kung TAMA O MALI ang mga nakasaad na Inga pangungusap at isulat sa inyong sagutang papel ang inyong sagot. 1. Ang bukas at tapat na komunikasyon ay daan upang maipahayag ng bawat kasapi ang pagkakaiba ng pananaw o di-pagsang-ayon gayon din ang kanilang pagmamahal at pagmamalasakit sa isa't isa.
2. Ang diyalogo ay nagsisimula sa sining ng pakikinig.
3. Ang isa sa pinakamalaking suliranin sa pamilya ngayon ang kawalan ng tunay na komunikasyon sa pagitan ng mag-asawa, mga magulang at mga anak.
4. Ang mga magulang ay tinitingnan ng mga anak bilang mga taong sarado at walang pag-uunawa sa pamilya.
5. Ang komunikasyon ay posible lamang sa pagitan ng mga tao.
6. Pagmamahal ang pinakamababang hatid ng tao sa diyalogo at katarungan naman ang pinakamataas.
7. Mas magiging madali ang makinig at umunawa hindi lamang sa sinasabi kundi sa mga hindi masabi ng kapamilya.