Sagot :
Answer:
Ang bawat indibidwal ay nabibilang sa iba’t-ibang uri ng antas sa lipunang kanyang ginagalawan. Tandaan na walang parehong indibidwal ang mayroong eksakto o parehong uri o istilo ng pananalita. Nababatay ang pagkakaiba sa antas sa mga sumusunod na aspeto:
Katayuan o estado sa buhay
Edad
Kasarian
Grupo o pangkat etniko na kanyang kinabibilangan
Antas ng natapos
Kasalukuyang propesyon
Pagiging dayuhan o lokal
Impormal na Wika
Mula sa pagsilang ng isang tao mayroon na tayong mga unang salita na natututunan. Nauuri ang mga salitang ito bilang mga impormal na wika. Ang impormal na wika ay kinabibilangan ng mga salita na karaniwang ginagamit na pang araw-araw.
Explanation: