👤

Tungkulin ng wika sa lipunan


Sagot :

Ang Tungkulin ng Wika

1. Ginagamit natin ang wika, hindi kaya ginagamit tayo nito?  Mga Panlahat na Gamit ng Wika  Sa anumang bagay o gawain, saan mang lugar, o pagkakataon ang wika ay lagi na nating ginagamit. Ito ang nagbibigay katuparan sa lahat ng ating pagkilos, kinokontrol nito ang ating pag-iisip maging ang ating pag- uugali. Naglahad sina Michael A.K. Halliday, Roman Jakobson at W.P. Robinson ng pangkalahatang gamit ng wika upang mapag-aralan natin kung papaano napapakilos o napagagalaw ng wika ang lahat ng bagay sa mundo.

2. I. Ayon kay Michael A.K. Halliday  1.Instrumental – Ginagamit ang wika ng tagapagsalita para mangyari / maganap ang mga bagay-bagay. Pinababayaan ng wikang pagalawin ( manipulate) ng tagapagsalita ang kanyang kapaligiran. Maaaring humiling ang mga tao ng mga bagay at maging dahilan ng paggawa at pagkaganap ng mga bagay-bagay sa paggamit ng mga salita lamang.  Halimbawa:  Mga bigkas na ginaganap (performative utterances) – pagpapangalan/ pagbabansag, pagpapahayag, pagtaya.  Iba pa – pagmumungkahi, panghihikayat, pagbibigay- panuto, pag-uutos, pagpilit.

3.  2.Regulatory - Gamit ng wika para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap (pag-alalay o maintenance of control). Maaaring kasangkot ang sarili o iba. Inaalalayan ng wika ang pakikisalamuha ng mga tao; itinatakda nito ang mga papel na ginagampanan ng bawat isa, nagbibigay-daan para alalayan ang pakikisalamuha at nagbibigay ng talasalitaan para sumang-ayon, di-sumang-ayon at pag-alalay at pag- abala (disrupt) sa gawa/ kilos ng iba.  Ito ang gamit ng wika na nagbibigay sa mga tao para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap.  Halimbawa: pag-ayon, pagtutol, pag-alalay sa kilos/ gawa, pagtatakda ng mga tuntunin at alintuntunin sa paglalaro, pagsagot sa telepono, pagtatalumpati sa bansa.

4.  3.Representasyunal – Gamit ng wika sa pagpaparating ng kaalaman tungkol sa daigdig, pag-uulat ng mga pangyayari, paglalahad, pagpapaliwanag ng mga pagkakaugnay-ugnay, paghahatid ng mga mensahe, atbp.  May nagaganap na pagpapalitan ng kaisipan. May mga tuntunin upang alalayan ang gawi/ ugaling pangwika kapag may pagpapalitan ng impormasyon ay dapat maging totoong-totoo at hindi kalahati lamang ang dapat gumawa ng palagay (assumptions) tungkol sa alam ng tagapakinig; hindi dapat kulang o pumupuri ang impormasyong ibinibigay; at kung tapat ang intensyon, dapat iwasan ang ano mang misrepresentasyon at kalalabisan.  Sa mga pagkakataong naiiba(idiosyncratic view) ang pananaw ng isang tao tungkol sa kung ano ang daigdig; maaaring ituring na naiiba (peculiar) ang mga bigkas na nagsasaad ng pagkatawan sa daigdig.

5.  Magiging dahilan ng pagturing sa isang tao na henyo/ pantas (genius) o nasisiraan ng bait; mapangarapin o di kaya’y tagapagligtas ang ilang uri ng pagiging iba (peculiarities). Maaaring mag-iba-iba sa iba-ibang panahon ang isipan ng karamihan (consensus) na nagiging batayan ng pagpapasya ng iba-ibang kinatawan ng pagbabago sa daigdig (world shifts), patag ang daigdig; maliliit (particles) ng atom, patay ang Diyos; marumi ang sex, pasalita ang wika, atbp.  Halimbawa: pag-uulat, paglalahad, pagpapaliwanag, paghahatid ng mensahe, pagbibigay ng tama/ maling impormasyon, pagsisinungaling, pagpapahayag.  Karamihan sa pang-araw-araw na gamit ng wika ang gamit na ito.

6.  4.Interaksyunal - (Phatic communion ayon kay Malinowski) Gamit ng wika upang mapanatili ang pakikipagkapwa-tao. Bahagi nito ang phatic communion; iyong mga di-pinupuna/ walang kabuluhang (meaningless) pakikipagpalitan na nagsasaad ng isang bukas na tulay (channel) ng pakikipagtalastasan kung kinakailangan.  Sa isang malawak na kaisipan, tumutukoy ang gamit na ito sa lahat ng gamit ng wika upang mapanatili ang mga lipon/ grupo: salita ng mga teenager; mga biruan ng pamilya/ mag-anak; mga katawagan sa bawat propesyon (jargon), mga palitan sa mga ritwal; mga wikang panlipunan at panrehiyon, atbp.  Dapat matutuhan ng mga tao ang mga iba’t ibang uri ng gamit ng wika kung nais nilang makisalamuha nang mahusay sa iba.

7.  Nangangailangan ang matagumpay na interaksyon ng wastong pag-uugali (good manners), wastong pagsasabi sa wastong paraan at paggawa ng mga bagay ayon sa kinagawian (presented way).  Madaling makita ang mga paglabag sa kaugalian, maging malaswang salita (dirty words) sa maling tagpuan o di pagtayo sa ilanga pagkakataon. Maaaring parusahan ang mga ito nang higit pa sa pagkadulas sa pangyayari.  Halimbawa: pagbati, pagpapaalam, pagbibiro, panunudyo, pag-aanyaya, paghihiwalay, pagtanggap, atbp.

diko po nakabit lahat ng answer masyadong pong marami

#CarryOnLearning