WRITTEN TASKS A.Suriing mabuti ang mga pahayag. Tukuyin kung ang inilalahad na impormasyon ng pahayag ay TAMA o MALI. Isulat ang sagot sa unahan ng bawat bilang. 1. Kahit sinuman ay maaaring kumatha ng isang wika nang walang pinagbabatayan na nagpapatibay rito. 2. Isinasaad at patutunayan na ang Wikang Filipino ay hindi isang bagong kinatha o kakathaing lenggwahe. 3. May kinalaman ang impluwensiya ng mga banyagang mananakop sa pagiging pormalisado sa paggamit ng wikang Filipino. 4. Walang historikal na perspektibo ang Wikang Filipino. 5. Isang lumalawak na bersyon ang Wikang Filipino ng Pilipino. 6. Sa isang bansa, kahit na isang wika lamang ang umiiral ay sapat na upang magkaunawaan ang mga mamamayan. 7. Kapag ang isang wika ay hindi pa pormalisado ay masasabing hindi ito umiiral na wika sa isang partikular na bansa. 8. Ibinatay ang Wikang Filipino sa Pilipino upang maging mas makilala ito at mas gamitin ng mga mamamayan. 9. Dayalektong Tagalog ang maituturing na lingua franca ng Pilipinas. 10. Umiral ang dayalektong Tagalog sa administrasyon ni Pangulong Manuel Luis Quezon.