Sagot :
Answer:
PUNO AT IKAW
I
Nakalimutan mo na bang ako’y iyong itinanim
Nang minsan ikaw ay walang makain?
Kay tagal mong nag-intay ikaw man ay nainip
Panahon na lumipas ako’y di mo man lang sinilip
II
Ako ay mag-isang lumalaki na ayon sa kapalaran,
Ikaw ay nainip, bumaling sa ibang halaman.
Hindi ko kaagad naihandog sayo ang aking prutas
Ikaw ay nagtampo, sa ibang puno ka namitas.
III
Marami kami ngayon na naglipana sa gubat,
Tignan mo muna ang hawak mong patpat.
Sa akin ba galing yang hawak mo?
O napapaisip lang ako ng todo-todo.
IV
Ang sa akin lang naman munting kaibigan
Maaari sana’y mga kababayan mo ay pagsabihan.
Putulin man nila kami ng walang habas
Palitan naman ng bagong punlang pupungas-pungas
V
Inalagaan ka ng iyong inay tama ba ako?
Sana’y madama mo na ganoon din ang nais ko.
Mumunti ako noon sa iyong paningin,
Sa paglipas ng panahon ako’y iyong titingalain
Explanation: