1-6 Alamin ang kahulugan ng lipon ng mga salita na nasa malaking titik. 1. Bakit hindi ka makasagot diyan? para kang natuka ng ahas.
A. namutla
B. nangangati ang lalamunan
C. may ahas na nakapasok sa bahay
D. hindi nakakibo, nawalan ng lakas na magsalita
2. Puro balitang kutsero ang naririnig ko sa kapitbahay nating iyan. Ayoko na tuloymaniwala sa kanya.
A. balitang sinabi ng kutsero
B. balitang walang katotohanan
C. balitang makatotohanan
D. balitang maganda
3. Hindi nila natapos ang proyekto dahil ningas-cogon sila.
A. di-pangmatagal
B. mainipin
C. matiyaga
D. tamad
4. Ang buhay ni Jake ay isang bukas na aklat sa kanyang mga kasamahan.
A. alam ng lahat
B. ayaw ipaalam
C. binabasa
D. sikreto
5. Kung hindi mo na maibibigay ang gusto ko, mabuti pang magsaulian na lang tayo ng kandila.
A. naghiraman
B. nagkaayos
C. nagkagalit
D. namigay
6. nag-alsa bulotan ang magkakapatid dahil sa kanilang mga magulang.
A. palipat-lipat ng tirahan
B. nagbalot ng pagkain
C. binalot ang gamit
D. naglayas
7. Alin ang paksang pangungusap?
A. Si Jose Rizal ay isang bayani.
B. Si Jose Rizal ay isinilang sa Calamba, Laguna.
C. Si Jose Rizal ay mula sa nakaririwasang angkan.
D. Si Jose Rizal ay may malawak na taniman ng palay.
8. Saan ito matatagpuan ang pangunahing diwa ng talata?
A. gitna
B. hulihan
C. tema
D. unahan
9. Ito ay isang mga salitang masasabi nating di-tuwiran ang kahulugan, malalimkaya’t mahirap unawain.
A. kahulugan
B. parirala
C. sawikain
D. tula
10. Ito ay isang bahagi ng talata na tinatawag na paksang pangungusap.
A. Pangunahing Diwa
B. Pangungusap
C. Patalata
D. Tayutay