👤

Sino ang nanguna o namuno sa mga kinatwan ng kongreso sa paghahanda ng saligang batas

Sagot :

Answer:

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pinawalang-bisa ng pamahalaang hawak ng mga Hapones ang Saligang Batas ng 1935 at itinalaga ang Komiteng Pampaghahanda sa Kalayaan ng Pilipinas upang gumawa ng kapalit nito. Ginamit ng Ikalawang Republika, at ni Jose P. Laurel bilang Pangulo, ang Saligang Batas ng 1943.

Sa pagpapalaya sa Pilipinas noong 1945, muling ibinalik ang 1935 Saligang Batas. Nanatili itong hindi nababago hanggang noong 1947 kung kailan nanawagan ng pagbabago rito ang Kongreso ng Pilipinas sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Blg. 733. Noong Marso 11, 1947, nagkaloob ang amyendang Parity ng pantay na karapatan sa mga mamamayan ng Estados Unidos at mamamayang Filipino upang linangin ang mga likas na yaman ng bansa at upang pangasiwaan ang mga gamit na pampubliko. Mula noon ay walang nabago sa Saligang Batas hanggang sa ideklara ang batas militar noong Setyembre 23, 1972.

Bago idineklara ni Pangulong Marcos ang Batas Militar, nasa proseso na ang isang Kumbensiyong Pansaligang Batas upang may baguhin sa, o palitan ang, 1935 Saligang Batas. Tinapos nila ang kanilang gawain at ipinása ito kay Pangulong Marcos noong Disyembre 1, 1972. Ipinasa ito ni Pangulong Marcos para sa ratipikasyon sa bungad ng Enero ng 1973. Sapagkat nakikinita na niyang mabibigo ang tuwirang ratipikasyon ng saligang batas, naglabas si Marcos ng Atas Pampangulo Blg. 86, s. 1972, na nagtatatag ng mga asemblea ng mga mamamayan na magtitibay sa bagong buong saligang bagas sa pamamagitan ng botong Viva Voce na kapalit ng mga lihim na balota. Ipinahayag ni Marcos na napagtibay na ito at ipinapatupad na nang buo simula Enero 17, 1973. Bagaman “pinagtibay” ang Saligang Batas ng 1973 sa ganitong paraan, nagpatuloy ang mga di-pagsang-ayon dito. Inilantad ni Punong Hukom Roberto V. Concepcion sa kaniyang pananaw na salungat sa kaso ng Javellan v. Kalihim na Tagapagpatupad ang fraud na nangyari sa pagpapatibay ng 1973 Saligang Batas sa asemblea ng mga mamamayan noong Enero 10-15,1973. Gayumpaman, ang naging pangwakas na pasya sa kasong ito ay na tama at ipinatutupad na ang pagpapatibay sa Saligang Batas ng 1973.

#CarryOnLearning

Pa Brainliest Po