👤

Gawain C
Panuto: Basahin at unawain ang konteksto ng mga pangungusap. Hanapin sa
ikalawang pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang madiin
sa unang pangungusap.
1. Ginugol ni Jun ang kaniyang buong panahon sa pag-aaral. Nilaan niya ang
kaniyang magiging tagumpay sa kaniyang pamilya.
2. Tunghayan mo ang isang palabas na nagtataglay ng ganda at sining.
Subaybayan mo ang bawat kaganapan upang lubos itong maunawaan.
3. Ang kaniyang pagdududa ay napalitan ng katahimikan at ligaya. Binaon na
niya limot ang pagtataka at nagsimulang pamungahin ang
pagmamahalan mula sa pagtitiwala.
sa
4. Ang kaniyang pagkarahuyo sa paglalaro ay nagdulot ng hindi magandang
epekto sa kaniyang kalusugan. Alam ng kaniyang mga magulang ang
pagkahumaling nito sa paglalaro kaya lubos nilang sinisi ang kanilang mga
sarili dahil wala silang ginawa para pigilan ito.
5. Tunay ngang pihikan si Mark kaya wala sa siyang naging kasintahan. Siya'y
naging mapili sa mga kakaibiganing babae.
6. Isang sigalot ang naganap sa dalawang bansa dahil sa magkaibang
paniniwala. Lumala ang hidwaang ito dahil sa kawalan ng pag-unawa at
pagtanggap sa isa't isa.​