Answer:
Pagkatuyo ng mga pananim
-ang pagtatanim ay isa sa mga mahirap na hanapbuhay ng mga tao lalo na sa mga taga probinsya, araw-araw ay nakabilad sila sa araw upang may maitanim, kahit sila ay puno na ng putik ay patuloy pa din sila sa pagtatrabaho, ngunit kahit anong kasipagan ang gawin nila may mga araw na may dalang kamalasan ang tadhana katulad ng pagkatuyo ng mga pananim, lahat ng hirap na ginawa ng mga magsasaka ay nawala na lamang dahil sa matinding pagsikat ng araw hindi na nga sapat ang bayad sa kanila, nawala pa ang bagay na pwede nilang pagkunan ng pagkain, kaya dapat natin pagtuonan ng pansin ang mga magsasaka at bigyan sila ng sapat na tulong dahil kung wala sila wala tayong makakain ngayon.
Covid-19
-simula nang nagsimula ang pagkalat ng bayrus na ito lahat ng mga bagay ba gusto nating gawin ay naudlot na lamang, mga pagkain at iba pangangailangan ay madaling naubos sapagkat lahat ng nangyari ay biglaan, mga tindahan na hindi pwedeng magbukas, bawal ang paglabas ng bahay kung kaya't ang iba ay nagpapanic buying upang may magamit at makain sila kahit naka quarantine, pagsunod sa social distancing at iba pang safety protocols, kakulangan ng mga ospital na tumatanggap ng mga naapektuhan ng bayrus. ngunit kahit anong pag iingat ang ating gawin dadapuan pa din tayo ng sakit kung kaya tayong mga mamamayan ay dapat sumunod sa batas dahil hindi lang ito pansariling kabutihan kundi panlahat.
Pagbaha
-pagkakabara ng mga kanal, esteryo, pagputol ng mga puno na pwedeng sumipsip sa tubig ulan, kung saan saan na pagtatapon ng basura ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng matinding pag ulan o pagbaha. ang ilan ay ginagawang swimming pool ang baha kaya madaming nagkakasakit, ang iba ay hindi na nakalikas dahil nagpapanic. tayong lahat ay dapat maghanda may sakuna man o wala, maging malinis tayo sa ating kapaligiran at huwsg nating hahayaang madumihan ito dahil kapag nasira ang kalikasan wala na tayong mapagkukunan ng yaman.
Child Abuse
-sa murang edad pa lamang ang ibang bata ay nakakaranas na ng matinding pananakit sa magulang man o sa iba pang nakakatanda, ang ibang sanggol ay hinahagis, mga batang nasa 4-6 na taong gulang ay binubugbog na para bang wala nang bukas ang iba sa mga nangaabuso ng mga bata ay walang rason kung bakit nila iyon ginagawa, kaya karamihan sa mga bata ay takot makisalamuha sa ibang tao dahil akala nila may gagawing masama sa kanila ang iba ay may depression o anxiety na. kaya kung magulang ka man o hindi disiplinahin mo ang mga bata na walang ginagawang karahasan at bigyan sila ng kalinga at pagmamahal.
Explanation:
sana makatulong. :)