Explanation:
Ang Kongreso ng Malolos, na kilala rin sa tawag na Kongresong Rebolusyonaryo, ay ang lehislatibong sangay ng pamahalaan noong isinailalim sa isang Pamahalaang Rebolusyonaryo ang Pilipinas. Ang mga miyembro nito ay pinili sa isang eleksyon na naganap din sa Malolos noong Hunyo 23 hanggang Setyembre 10, 1898. Ang mga miyembrong kasapi nito ay pawing mga iniluklok at pinili ng pangulo ng Pilipinas na kakatawan sa mga rehiyon at lalawigan ng bansa.