Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay.
Noong 1909, nagbigay ng pahintulot ang Batas Payne-Aldrich (Ingles: Payne-Aldrich Tariff Act) upang maging malaya ang palitan ng kalakal ng Estados Unidos at ng Pilipinas. Walang bayad na taripa ang mga produktong nanggagaling sa Pilipinas ngunit may takdang kota; samantalang ang mga kalakal mula sa Estados Unidos ay makapapasok sa Pilipinas nang walang taripa at kota.