Pakilagay na lamang sa ibabaw ng aking cabinet ang mga larawan ng báka at sáya na ginamit natin sa klase. Bago kayo umuwi, siguraduhin ninyong napatay ang lahat ng switch ng ilaw at bentilador. Tanggalin sa saksakan ang extension cord na nasa gawing ilalim ng aking mesa upang makasiguro tayo at makaiwas sa sunog. Naalala n’yo ba ng lahat ng aking tagubilin? Mag-aaral: Opo, Gng. Lacson, amin pong tatandaan ang lahat ng inyong tagubilin. Gng. Cortez: Maraming salamat sa inyo at mag-ingat kayo sa inyong pag- uwi. Mag-aaral: Walang anuman po! At masaya nang sinimulan nila Nicole at ng kanyang mga kagrupo ang kanilang gawain. Pagtalakay: 1. Bakit masaya ang araw ni Nicole? _______________________________________________________________ 2. Ano ang kanyang natutuhan sa klase? _______________________________________________________________ 3. Sino ang naatasan ng guro na maglinis ng silid-aralan? _______________________________________________________________ 4. Sa palagay mo, natandaan kaya ng mga bata ang tagubilin ng kanyang guro? Ano ang kanyang madarama kung nasunod ang lahat ng kanyang ipinagbilin? _______________________________________________________________ 5. Ano ang napansin ninyo sa mga salitang may salungguhit?
![Pakilagay Na Lamang Sa Ibabaw Ng Aking Cabinet Ang Mga Larawan Ng Báka At Sáya Na Ginamit Natin Sa Klase Bago Kayo Umuwi Siguraduhin Ninyong Napatay Ang Lahat N class=](https://ph-static.z-dn.net/files/da4/9b3afa8acec4646aa631499c6f5ab63d.jpg)